Home METRO Guro binaril sa harapan ng bahay, todas

Guro binaril sa harapan ng bahay, todas

1
0

BULACAN, Philippines – Patay ang isang guro matapos umanong barilin sa harapan ng kanyang bahay sa bayan ng Santa  Maria nitong madaling araw ng Hulyo 30.

Sa ulat, kinilala ang kalunos-lunos na biktima na si Gelo Enriquez, 38, binata, residente ng Brgy. Poblacion habang ang hindi nakilalang suspek na mabilis na tumakas ay nakasuot ng white ball cap.

Ayon sa ulat. naganap ang insidente bandang 12:30 ng madaling araw sa harapan ng bahay ng biktima.

Batay sa paunang imbestigasyon, isang malakas na putok ang narinig ng babaeng kapatid ng biktima na nasa loob ng kanilang bahay ng mga oras na iyon.

Kasunod nito, narinig niya ang malakas na sigaw ng kanyang kapatid na humihingi ng saklolo na duguan ang kanyang damit.

Agad dinala ang biktima sa ospital para sa medical treatment subalit, ayon sa ulat, binawian ito ng buhay kalaunan.

Dahil dito, nang makarating sa pulisya ang nangyari ay agad rumesponde sa lugar hanggang sa ospital para beripikahin ang insidente at ang kondisyon ng biktima.

Patuloy na kumikilos ang pulisya para malaman ang motibo, pagkakakilanlan ng gun man at mahuli ito para mapanagot sa batas.

Sinusulat ito, dumagsa sa social media ang sumisigaw ng hustisya at nagpa-abot ng pakikiramay sa biktima na kilalang napakabait na lingkod bayan bilang dating sekretaryo ng barangay sa lugar. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here