Home NATIONWIDE Guro, himas rehas sa kahalayan sa Isabela

Guro, himas rehas sa kahalayan sa Isabela

72
0

LUNA, Isabela – Himas rehas ang 34-anyos na guro na kabilang umano sa Top 2 Most Wanted Person Municipal Level sa kasong kahalayan matapos isilbi ang kanyang warrant of arrest ng pulisya sa Brgy. Centro 2, Luna, Isabela.

Sa direktiba ni PBGen. Mariano Rodriguez, Acting Regional Director ng Police Regional Office 02 (PR02) at pagtugon ni PCol. Manuel Bringas, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office (IPPO) ay naaresto ang suspek na si alyas “Jonathan” binata at residente ng nasabing lugar.

Sa bisa ng warrant of arrest kaugnay sa kasong Acts of Lasciviousness na may paglabag sa R.A. 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act na inamyendahan ng R.A. 11648 at makalabas lamang ang suspek kung makapaglagak ng piyansang piyansang ₱180,000 para sa pansamantalang kalayaan.

Pansamantala, nasa kustodiya ng pulisya ang suspek para sa kaukulang dukomentasyon at tamang disposisyon bago ipasakamay sa korteng pinagmulan. REY VELASCO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here