Home NATIONWIDE Grupo ng Catholic schools nagpahayag ng suporta vs anti-political dynasty law

Grupo ng Catholic schools nagpahayag ng suporta vs anti-political dynasty law

75
0

MANILA, Philippines – Nagpahayag ng ulo ng suporta sa kampanyang “Dapat Isa Lang” ang Catholic Education Association of the Philippines (CEAP) na naglalayong magpatupad ng batas laban sa political dynasties sa bansa.

Ayon sa CEAP, mahalaga ang papel ng mga paaralan lalo na ang mga Catholic schools sa paghubog ng mamamayan na may kamalayan s a kapangyarihan, hustisya at pananagutan sa pamahalaan.

Ang korapsyon na pinadala ng political dynasties ay nagiging hadlang sa maayos na pamamahala, dagdag pa ng CEAP.

Sa ilalim ng kampanya, layunin ng batas na limitahan ang sabay-sabay na paghawak ng magkakamag-anak ng posisyon sa gobyerno, ipagbawal ang political succession hanggang fourth degree of consanguinity at magpatupad ng cooling-off period matapos ang termino.

Hinimok din ng CEAP ang kabataan na maging aktibo sa usaping sibiko at manindigan para sa patas na pamumuno.

Kasabay nito, muling iginiit ng CEAP ang panawagan ni Pope Leo XIV na tugunan ang ugat ng kahirapan sa halip na umasa sa pansamantalang solusyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here