Home NATIONWIDE Guro nagbigti sa puno ng mangga, patay

Guro nagbigti sa puno ng mangga, patay

71
0

ECHAGUE, Isabela – Sinalubong ni kamatayan matapos magbigti ang isang guro na 35-anyos na nagbigti sa Barangay Ipil, Echague, Isabela.

Kinilala ang nasawi na si alyas “Gie”, binata at kasalukuyang naninirahan sa Brgy. Ipil, Echague, Isabela at tubong Quirino province.

Sa imbestigasyon ng pulisya dakong alas-4:45 ng madaling araw nang makita ng concerned citizen ang biktima, na nakabigti sa isang puno ng mangga gamit ang nylon string o “tansi.”

Agad umano itong humingi ng tulong sa mga kapitbahay at mga opisyal ng barangay upang maipaalam ang insidente sa mga awtoridad.

Rumesponde ang mga tauhan ng Echague Municipal Police Station at nakipag-ugnayan sa Forensic Unit ng Santiago City para sa masusing pagproseso sa pinangyarihan ng insidente.

Nagawa pang maisugod sa pagamutan ang biktima sa pagbabakasakaling mai-revive ngunit idineklarang dead on arrival ang ng sumuring duktor.

Hanggang sa ngayon ay inaalam pa kung ano ang dahilan at motibo sa pagpapatiwakal ng nasabing guro. REY VELASCO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here