BATAAN- Nakorner ng mga awtoridad ang limang Wanted Person kabilang dito ang isang Most Wanted Person (MWP) na sangkot sa iba’t-ibang kaso ng krimen matapos masukol ang mga suspek sa ikinasang serye ng manhunt operation ng pulisya sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigang ito.
Batay sa ulat ni Bataan Police Director Col Marites Salvadora, kay Central Luzon Police Director Brigadier General Jess Mendez, naaresto ang apat (4) na wanted person sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ng Korte sa mga bayan ng Dinalupihan, Balanga City, Pilar at Samal, Bataan.
Nadakip ang apat na wanted na sangkot sa mga Kaso ng krimen gaya ng Estafa, PD 1866, Cybercrime at Child Abused Law.
Habang naaresto ang 43 anyos na Most Wanted Person na akusado sa kasong paglabag sa Child Abused Law sa Orion, Bataan.
Nasa kustodiya na nang pulisya ang mga naarestong suspek para sa dokumentasyon at tamang disposisyon. ROEL TARAYAO