Home NATIONWIDE Walang naitalang insidente sa paghahain ng COCs sa kauna-unahang BARMM polls

Walang naitalang insidente sa paghahain ng COCs sa kauna-unahang BARMM polls

70
0

MANILA, Philippines – Walang naitalang untoward incidents sa paghahain ng certificate of candidacy (COCs) para sa kauna-unahang Parliamentary Elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), ayon sa Commission on Elections (Comelec).

Ayon kay Comelec Chairman Erwin George Garcia ,sobrang napakatahimik ang tatlong araw na aktibidad ng paghahain ng COC sa 32 parliamentary districts sa BARMM.

Ang tatlong araw ng filing period para sa District Representatives at party members ay simula May 5 hanggang 7.

Samantala, itinakda ang BARMM elections sa September 14, 2026.

Mayroong 16 political parties at 23 electoral organizations na accredited na naghain ng kanilang kandidatura para sa nalalapit na BARMM elections.

Sinabi ni Garcia na 85% na ang Comelec sa paghahanda nito at inilatag na ang paghahanda se seguridad kasama ang Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), Philippine Coast Guard (PCG) at iba pang kinauukulang ahensya.

Ang unang halal na opisyal ng BARMM ay magsisilbi ng limang taong termino simula sa tanghali ng Oktubre 30, 2026 hanggang tanghali ng Hunyo 30, 2031. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here