Home METRO Guro patay sa tambang sa Zambo

Guro patay sa tambang sa Zambo

ZAMBOANGA DEL SUR – Kinondena ng Department of Education (DepEd) ang napaulat na pananambang sa isang public school teacher sa Mahayag, Zamboanga del Sur noong Huwebes, Abril 11.

Si Jerome Etorma, 36, guro sa Dumingag National High School, ay kalalabas lamang sa bayan ng Dumingag sakay ng kanyang motorsiklo nang pagbabarilin siya ng hindi pa nakikilalang gunman na sakay ng isang itim na motorsiklo gamit ang kalibre .45 na pistol nang makarating sa Barangay Boniao ng bayan ng Mahayag alas-5 ng hapon, sabi ng pulis.

Sinabi ni Major Herminigildo Bajao Jr., tagapagsalita ng Zamboanga del Sur provincial police, mabilis na tumakas ang salarin na nakasuot ng maskara at itim na jacket patungo sa bayan ng Dumingag.

Si Etorma, residente ng Barangay San Isidro, bayan ng Mahayag, ay nagtamo ng apat na tama ng bala sa likod at isinugod sa Mahayag municipal hospital. Idineklara siyang patay dakong 5:40 p.m. Rosenda Bellen Ramos Dr.

“(We) denounce this senseless act of violence against our teacher and implore concerned authorities to heighten efforts in ensuring the safety and security of our educators and our communities,” anang DepEd national office sa pahayag nito sa FB Page.

Hinimok din ng departamento ang lokal na pulisya na mabilis na hulihin ang mga salarin.

Una nang sinabi ni Major Renante Benitez, hepe ng Mahayag police, na tinututukan nila ang isang person of interest na posibleng may kinalaman sa krimen. RNT