Home METRO Guro pisak sa truck

Guro pisak sa truck

BULA, Camarines Sur-MISTULANG suicide ang ginawa ng isang guro matapos magulungan ng rumaragasang truck makaraan bigla na lamang tumakbo sa gitna ng kalsada nitong Lunes, Marso 11 sa bayang ito.

Kinilala ang biktimang si Gina Bolival, 52-anyos, Elementary teacher ng Bula South Central School at residente ng Zone 5, Palsong, Bula, Camarines Sur.

Batay sa report ng Bula Municipal Police Station, bandang 6:00 PM nang maganap ang insidente sa Zone 5, Palsong, Bula, Camarines Sur.

Sa kuha sa CCTV footage, makikitang habang naglalakad ang biktima sa gilid ng kalsada na may hawak na payong, nagawa pa niyang tiklupin ang payong saka mabilis na tumakbo sa gitna ng kalsada.

Dahil mabilis ang takbo ng isang puting Sinotruk na Dump Truck na minamaneho ni alyas Romeo, 38 anyos, residente ng Zone 4B, Pinit, Ocampo, Camarines Sur, hindi na niya nagawa pang makapag-preno at pumailalim sa truck ang biktima.

Nagawa naman dalhin sa Bicol Medical Center, Naga City ang biktima subalit sa daan pa lamang ay nalagutan na ito ng hininga sanhi ng matinding pinsalang tinamo sa ulo at iba’t ibang parte ng katawan.

Dinala naman sa himpilan ng Bula Municipal Police Station si Romeo para sa karampatang disposisyon. Mary Anne Sapico

Previous article‘17 demands’ ni Quiboloy, fake news – Topacio
Next articlePagpapalaya sa 97 PDLs aprub sa DOJ