Home NATIONWIDE Pagpapalaya sa 97 PDLs aprub sa DOJ

Pagpapalaya sa 97 PDLs aprub sa DOJ

MANILA, Philippines – Inaprubahan ng Department of Justice (DOJ) ang pagpapalaya sa 97 na persons deprived of liberty (PDL) na apat na dekada nang nakulong.

Sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na pinalaya ang mga PDL batay sa rekomendasyon ni BuCor Director General Gregorio Pio Catapang Jr., dahil sa good conduct time allowance (GCTA).

Sa naturang talaan, 47 ay mula sa New Bilibid Prison (NBP), 23 sa Iwahig Prison and Penal Farm, 12 mula Sablayan Prison and Penal Farm, anim sa Davao Prison and Penal Farm, lima mula sa San Ramon Prison and Penal Farm, at apat sa Correctional Institution for Women (CIW).

Nabatid na sinentensyahan ang mga PDL ng isang bilang ng reclusion perpetua o life imprisonment. Nabatid na lumagpas na ang mga ito sa kanilang minimum sentence batay sa komputasyon sa old provisions ng Revised Penal Code (RPC) hinggil sa time allowances.

Ang pagpapalaya sa 97 PDL ay batay sa binuong Department Order 652 ny DOJ at BuCor na nagrerebisa sa rules and procedure hinggil sa pagpapalaya ng mga PDL na lumagpas na ang sentensya.

Batay sa Department order, maaaring palayain ang mga PDL na nagpado na ang sentensya batay sa rekomendasyon ng Director General ng BuCor. Teresa Tavares

Previous articleGuro pisak sa truck
Next articleComelec nagtakda ng hiwalay na oras sa pagboto ng mga senior, buntis at PWD