MANILA, Philippines – Mayroon nang sariling voting precincts ang mag senior citizen, persons with disabilities (PWDs) at mga buntis sa susunod na botohan, sinabi ng Commison on Elections.
Ayon kay Comelec chairman George Garcia, lahat ng presinto sa bansa ay papayagan na ang mga senior, persons with disabilities, at mga buntis na eksklusibong makakaboto mula alas-5 ng umaga hanggang alas-7 ng umaga.
Sinabi ni Garcia na ang Comelec na inaasahang higit sa 12 milyong senior citizens at 600,000 PWDs ang boboto sa May 2025 midterm elections sa buong bansa.
Nilinaw din ng poll chief na ang mga senior citizen at PWD ay hindi kakailanganing bumoto sa Emergency Accessible Polling Places (EAPP), nangangahulugan na malaya silang pumili kung saan gagamitin ang kanilang karapatang bumoto.
Idinagdag ni Garcia na napakahalaga na dalhin ang rehistrasyon sa kanilang kinaroroonan, lalo na para sa mga senior citizen at PWD.
Tungkol naman sa bilang ng mga bagong rehistradong botante, sinabi ni Garcia na mayroon nang 1.3 milyong bagong botante simula noong Huwebes mula nang magbukas ang voters’ registration noong Pebrero 12. Jocelyn Tabangcura-Domenden