Home METRO 3-anyos na anak pinatay sa saksak ng ama

3-anyos na anak pinatay sa saksak ng ama

MANILA, Philippines – Pinagsasaksak hanggang mamatay ang tatlong taong gulang na batang babae ng sariling ama nito sa Barangay Guadalupe, Inopacan, Leyte.

Ayon kay Inopacan police chief Police Major Ian Po, kinilala ang suspek na si Crisencio Timon Jr.

Sa ulat, napag-alaman na noong nakaraang linggo ay dumating sa Leyte ang live-in partner nito mula Maynila para makipaghiwalay umano sa kanya.

Linggo pa lamang ng gabi ay lango na sa alak ang suspek dahil sa naturang problema sa pamilya.

Lunes ng hapon ay pinatulog ni Timon ang kanyang anak at nang makatulog na ay sinaksak niya ito sa leeg gamit ang “tuksi.”

Kalaunan ay kinitil din nito ang sariling buhay gamit ang parehong patalim.

Nadiskubre na lamang ng kapitbahay na nagdedeliver ng isda ang bangkay ng dalawa.

Dumating ang mga pulis at sinubukan pang dalhin sa ospital ang dalawa ngunit idineklara na ring patay dahil sa tama ng saksak sa katawan. RNT/JGC

Previous articleComelec nagtakda ng hiwalay na oras sa pagboto ng mga senior, buntis at PWD
Next article4 na treasure hunter patay sa paghahanap ng ginto