Home METRO 4 na treasure hunter patay sa paghahanap ng ginto

4 na treasure hunter patay sa paghahanap ng ginto

KADINGILAN, Bukidnon-SA kagustuhan makaahon sa kahirapan, buhay ang naging kapalit ng apat na treasure hunter makaraan hindi na makalabas ng buhay ang mga ito sa loob ng kuweba sa paniwalang may ginto na nakatago sa loob, nitong Linggo sa bayang ito.

Kinilala ang mga biktima sa alyas, Bibo, 21-anyos, Criminology student, taga-Valencia City; Ronnie, dating sundalo at residente ng Kibawe, Bukidnon; John at alyas Doy.

Ayon kay Police Captain Larry Mahlin, Officer-in-Charge ng Kadingalan Police Station, bandang 1:00 PM nitong Lunes narekober ang tatlong bangkay ng mga biktima sa loob ng kuweba sa Sitio Tinago Barangay Cabadiangan Kadingilan Bukidnon.

Sinabi ng mga awtoridad na nagtungo ang apat sa loob ng kuweba para hanapin ang pinaniniwalaan ginto na nakatago.

Habang nasa kalagitnaan ng paghuhukay, tinamaan ng mga biktima ang isang water pump na naglabas ng usok at nakakasulasok na amoy.

Dahil dito, posible umanong na-trap ang mga biktima at hindi na nagawa pang makalabas matapos masinghot ang usok na naging sanhi ng kanilang kamatayan.

Nagpapatuloy naman ang ginagawang retrieval operation ng tropa ng pamahalaan at mga kawani ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management para sa pagkuha natitirang bangkay sa loob ng kweba.

Sinabi ng mga awtoridad nahirapan silang makapasok sa loob ng kweba dahil sa puno ng usok at malakas ang amoy ng carbon monoxide.

Patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa naturang insidente. Mary Anne Sapico

Previous article3-anyos na anak pinatay sa saksak ng ama
Next articleMagkapatid at pamangkin, patay sa pinalipad na motorsiklo