Home METRO Guro tigok sa bangga ng coast guard habang nag-eexercise

Guro tigok sa bangga ng coast guard habang nag-eexercise

93
0

ILOCOS NORTE – Patay ang isang 31-anyos na guro matapos mabangga ng motorsiklo na minamaneho ng isang miyembro ng Philippine Coast Guard na nakatalaga sa Ilocos Norte habang naglalakad para mag-ehersisyo sa Laoag City.

Sa kuha ng CCTV, makikitang naglalakad ang guro sa gilid ng kalsada nang biglang sumulpot ang humaharurot na motorsiklo at mabangga siya. Sa lakas ng impact, bahagyang tumilapon ang biktima habang tumumba rin ang motorsiklo.

Agad na rumesponde at sumaklolo ang mga nakakitang motorista.

Ayon kay PSMS Eric Bumagat, hepe ng traffic division ng Laoag PNP, nangyari ang insidente pasado alas-7 ng umaga noong Miyerkules, Abril 8, sa bypass road ng Barangay 55-C Vira, Laoag City, Ilocos Norte.

Sinabi ng pulisya na naglalakad ang biktima para mag-ehersisyo. Ilang araw itong nakaratay sa ospital ngunit binawian din ng buhay noong Linggo, Abril 12, dahil sa matinding tama sa ulo.

Dagdag pa ng mga awtoridad, positibong nakainom ang 36-anyos na rider at umano’y galing ito sa isang beerhouse.

Nahaharap ngayon ang driver sa kasong reckless imprudence resulting in homicide. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here