Home METRO Gurong may altapresyon natagpuang patay sa loob ng kuwarto

Gurong may altapresyon natagpuang patay sa loob ng kuwarto

Bulacan – Isang 51 anyos na lalaking guro na may hypertension ang natagpuan ng ina na wala nang buhay sa kanyang kuwarto sa lungsod San Jose Del Monte (SJDM).

Kinilala ng pulisya ang nasawing si Cesar Borral, may-asawa, guro, residente ng Brgy. San Manuel.

Sa report ng pulisya, nadiskubre ang bangkay ng guro bandang 6:00 ng umaga nitong Agosto 20 sa Brgy. San Manuel.

Ayon sa report, mismong inang si Aling Gina, 73 ang nakadiskubreng wala nang buhay ang kanyang anak sa kanyang kuwarto.

Aniya, ang kanyang anak na namatay ay may history ng hypertension at naniniwalang walang nangyaring foul play.

Dahil dito, hindi na dumaan sa autopsy at wala nang proseso ng SOCO sa bangkay na agad dinala sa kalapit na punerarya. Dick Mirasol III