Home NATIONWIDE Solon nanawagan: Bansag ni ex-PRRD sa Iloilo bilang ‘bedrock of illegal drugs’...

Solon nanawagan: Bansag ni ex-PRRD sa Iloilo bilang ‘bedrock of illegal drugs’ itama

MANILA, Philippines – Umapela si Iloilo Rep Julienne Baronda sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at sa Philippine National Police (PNP) na magbigay ng katibayan at opisyal na rekord na magpapatunay sa nauna nang bansag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Iloilo City bilang “bedrock of illegal drugs” at shabilized city sa bansa.

Ang apela ay ginawa ni Baronda kasunod na rin ng mainit na usapan ukol sa illegal drugs na kasalukuyang dinidinig ng Quad Committee ng Kamara.

Ayon kay Baronda sa naging war on drugs ni dating Pangulong Duterte ay binansagan nito ang Iloilo City na sentro ng ipinagbabawal na gamot at tinukoy si dating Iloilo City Mayor Jed Mabilog na isang narcopolitician at drug protector.

“Mabilog categorically denied the claims, however, the continuing threats from President Duterte caused Mabilog to flee the country for fear of his life,” paliwanag ni Baronda.

“PDEA and PNP should come clean with evidence to support ex President Duterte’s claim that Mabilog was indeed involved in the illegal drug trade and was a drug protector. Despite the accusations, no concrete proof has ever surfaced to confirm Mabilog’s alleged ties to the drug trade,” dagdag pa ni Baronda.

Iginiit pa niya na maging ang noon ay PDEA Region VI Regional Director na si Director Gil Pabilona ay naglinaw na hindi kabilang si Mabilog sa listahan ng mga drug protectors.

Bilang tugon sa apela ni Baronda, inatasan ni Surigao del Norte Rep Ace Barbers, Chairman ng House Committee on Dangerous Drugs na isa sa miyembro ng Quad Committee, ang PDEA at PNP na mag-comply sa hiling ng mambabatas.

Ang Quad Committee ay nagsasagawa ng imbestigasyon ukol sa isyu ng Extrajudicial Killings, war on drugs at POGO noong panahon ng Duterte administration. Gail Mendoza