Home NATIONWIDE Guteza no show pa rin sa DOJ; pahayag nito kikilalanin ni Remulla

Guteza no show pa rin sa DOJ; pahayag nito kikilalanin ni Remulla

284
0

MANILA, Philippines – Kikilalanin ng Department of Justice (DOJ) ang mga pahayag ni Orly Regala Guteza sa naganap na pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee kamakailan.

Sa isang panayam ng media kay Justice secretary Jesus Crispin Remulla, sinabi na pwedeng gamitin ang naging pahayag ni Guteza sapagkat ito ay kanyang pinanumpaan sa Senado.

Ayon sa kalihim, tatayo na ito bilang opisyal na pahayag sa kabila ng kinakaharap ni Guteza sa kanyang affidavit hinggil sa pagkakanortaryo nito.

Upang mabigyan ng kaliwanagan ang naturang salaysay, pakikilusin ng kalihim ang National Bureau of Investigation (NBI) upang ipa-subpoena ang ‘notarial book’ ng abogado.

“Hindi, under oath yun. Pwede ng gamitin yun kasi ang ginawa niya ay pinasa niya lang yung affidavit na sinubmit sa Senado yung affidavit pero binasa niya under oath. So that already stands as a statement under oath in the senate records, it’s an official statement,” saad i SOJ Remulla.

Gayunpaman, wala pa ring paramdam si Orly Regala Guteza sa Department of Justice (DOJ) pagkatapos niyang humarap sa Senate Blue Ribbon Committee at nagpahayag ng kanyang salaysay.

Si Guteza ay dapata sanang magtungo sa DOJ para sa nakatakdang ‘appointment’ nito kay Justice secretary Jesus Crispin Remulla.

Sa kabila nito, tiniyak ni Remulla na hindi nila isasantabi ang mga isiniwalat ni Guteza sa halip ay seryso itong iimbestigahan.

Muli niyang iginiit na walang sisinuhin ang DOJ sa mga itinuturong sangkot umano sa flood control projects anomaly.

“Of course, of course. Hindi naman, kasi wala naman tayong sisinuhin dito. We have to work on it,” ani Justice Secretary Remulla.

Maalalang si Orly Guteza ang siyang nagdawit sa pangalan nina former House Speaker Martin Romualdez at resigned Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co sa kontrobersyal na flood control projects. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here