Kumpirmado ng Department of Agriculture-Bureau of Animal Industry (DA-BAI) ang unang kaso ng H5N9 bird flu sa Pilipinas, na natagpuan sa Camaligan, Camarines Sur.
Ang highly pathogenic avian influenza (HPAI) H5N9 ay natuklasan sa mga pato sa isang routine surveillance.
Bagamat mapanganib ito sa mga ibon, hindi ito nakaaapekto sa tao.
Nagpatupad na ang DA ng masusing surveillance at disinfection sa loob ng isang-kilometrong quarantine zone upang maiwasan ang pagkalat nito.
Hinikayat ang publiko na i-report ang mga hindi pangkaraniwang pagkamatay o sakit ng mga manok sa mga lokal na awtoridad. Santi Celario