Home NATIONWIDE 2 Tsino arestado sa pagdukot sa 2 dayuhan sa Batangas

2 Tsino arestado sa pagdukot sa 2 dayuhan sa Batangas

MANILA, Philippines – Arestado ang dalawang Chinese nationals dahil sa pagdukot sa dalawang Chinese at isang Korean national sa Nasugbu, Batangas noong Mayo 2, 2025.

Nahuli ang mga suspek sa isang checkpoint sa Bacoor, Cavite noong Mayo 3 matapos subukang tumakas.

Pinalaya ang mga biktima matapos ang negosasyon sa ransom.

Narekober ng pulisya ang mga baril at ebidensyang may kaugnayan sa krimen.

Kinilala ng mga biktima ang mga suspek at sinampahan na sila ng kasong kriminal at immigration. RNT