MANILA, Philippines – Sisimulan sa Mayo 9, 2025 ang pagkukumpuni sa northbound side ng M. Roxas Jr. flyover sa Maynila, ayon sa Department of Public Works and Highways.
Sakop ng retrofitting ang mga expansion joint, at magkakaroon ng partial lane closures na tatagal ng pitong araw bawat bahagi.
Pinapayuhan ang mga motorista na asahan ang mabigat na trapiko at gumamit ng alternatibong ruta.
Bahagi ito ng “Build Better More” program para sa mas ligtas at episyenteng kalsada sa NCR. Santi Celario