Home NATIONWIDE  Habagat, frontal system magpapaulan sa Luzon

 Habagat, frontal system magpapaulan sa Luzon

216
0

MANILA, Philippines- Maggdudulot ng pag-ulan ang Southwest Monsoon (Habagat) at ang frontal system sa Luzon, ayon sa PAGASA nitong Sabado.

Inaasahan sa Ilocos Region, Apayao, Abra, Zambales, at Bataan ang monsoon rains, habang nakaamba ang maulap na kalangitan at kalat na pag-ulan sa Metro Manila at natitirang bahagi ng Luzon.

Makararanas naman ang Batanes at ang Babuyan Islands ng maulap na kalangitan at kalat na pag-ulan dahil sa frontal system, at localized thunderstorms sa Visayas at Mindanao.

Iiral ang light to moderate winds at slight to moderate coastal waters sa buong bansa. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here