Home NATIONWIDE Habagat iiral sa Central, Southern Luzon, Visayas

Habagat iiral sa Central, Southern Luzon, Visayas

MANILA, Philippines- Magpapaulan ang southwest monsoon sa Central Luzon, Southern Luzon, at Visayas ngayong Huwebes, base sa PAGASA.

Makararanas ang Zambales, Bataan, Occidental Mindoro, at Palawan ng pabugso-bugsong ulan dahil sa southwest monsoon.

Inaasahan naman sa Metro Manila, Western Visayas, Negros Island Region, CALABARZON, Pangasinan, Tarlac, Pampanga, Bulacan, at natitirang bahagi ng MIMAROPA ang maulap na kalangitan at kalat na pag-ulan dahil sa southwest monsoon.

Nakaamba sa Bicol Region at natitirang bahagi ng Central Luzon at Visayas ang “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms” dahil sa southwest monsoon.

Samantala, nagbabadya sa natitirang bahagi ng bansa ang “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms” dahil sa localized thunderstorms.

Ang wind speed forecast para sa Luzon at Visayas ay light to moderate patungong southwestward na may slight to moderate coastal waters.

Iiral sa Mindanao ang light to moderate wind speed patungong south to southwest direction na may slight to moderate coastal waters.

Sumikat ang araw ng alas- 5:44 ng umaga at lulubog ng alas-6:10 ng hapon. RNT/SA