MANILA, Philippines- Posibleng mtagalan bago maramdaman ng mga Pilipino ang epekto ng executive order na nagbababa sa taripa sa rice imports sa retail prices, base sa National Economic and Development Authority (NEDA) nitong Miyerkules.
“I think that will still probably take a while […] We are monitoring the situation,” pahayag ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan sa isang panayam nang tanungin hinggil sa epekto ng Executive Order No. 62.
Sa ilalim ng EO 62, ibinaba ang tariff rate para sa imported rice sa 15% mula sa nakaraang 35% hanggang 2028.
Sinabi ng NEDA Board, sa pamumuno ng Pangulo at ni Balisacan bilang vice chair, na nakahanay ang pagtapyas sa rice tariffs sa target na ibaba ang presyo sa P29 kada kilo para sa mahihirap.
Inihayag ng Department of Agriculture na ipinag-utos ng EO 62 ang periodic review ng tariff rates kada apat na buwan mula nang umiral ang kautusan noong Hulyo 6.
“We are already preparing the methodologies, how to undertake the review, para mas up to date ‘yung report namin to the President,” ani Balisacan. RNT/SA