MANILA, Philippines- Namataan ang Low Pressure Area (LPA) 375 kilometro north northeast ng Itbayat, Batanes ngayong Sabado subalit ang epekto ng Southwest Monsoon o Habagat ang mararamdaman sa extreme Northern Luzon, base sa PAGASA.
Inaasahan sa Batanes at Babuyan Islands ang “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms” dahil sa Southwest Monsoon na may posibilidad ng flash floods o landslides tuwing severe thunderstorms.
Makararanas naman ang Metro at natitirang bahagi ng bansa ng “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms” dahil sa localized thunderstorms na may nakaambang flash floods o landslides tuwing severe thunderstorms.
Ang wind speed forecast para sa buong bansa ay light to moderate patungo sa southeast to southwest direction habang ang coastal waters ay mananatiling slight to moderate.
Sumikat ang araw ng alas-5:43 ng umaga at lulubog ng alas-6:18 ng hapon. RNT/SA