MANILA, Philippines- Tumama ang magnitude 5.0 na lindol sa katubigan ng Calayan, Cagayan nitong Sabado ng umaga, base sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Naitala ang lindol ng alas-7:56 ng umaga, dagdag ng ahensya.
Ang epicenter ay natukoy 19.32°N, 121.08°E – 027 km N 30° W ng Dalupiri Islands sa munisipalidad ng Calayan.
May lalim na 10 km ang tectonic earthquake.
Sinabi ng PHIVOLCS na walang inaasahang pinsala o aftershock. RNT/SA