MANILA, Philippines- Magpapaulan ang Southwest Monsoon o Habagat sa Luzon ngayong Sabado, base sa PAGASA.
Inaasahan sa Batanes at Babuyan Islands ang maulap na kalangitan na sasabayan ng kalat na pag-ulan dahil sa Southwest Monsoon.
Nakaamba naman sa Metro Manila at natitirang bahagi ng Luzon ang “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms” dahil sa Southwest Monsoon.
Makararanas ang natitirang bahagi ng bansa ng “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms” dahil sa localized thunderstorms.
Iiral sa western at northern sections ng Luzon ang moderate to strong winds patungong southwest to south direction, at moderate to rough coastal waters.
Ang natitirang bahagi naman ng Luzon ay magkakaroon ng moderate to strong winds patungong southward direction habang ang coastal waters ay magiging moderate to rough.
Inaasahan sa Visayas at Mindanao regions ang light to moderate winds patungong southeast to south direction habang ang coastal waters ay magiging slight to moderate.
Sumikat ang araw ng alas-5:44 ng umaga at lulubog ng alas-6:04 ng hapon. RNT/SA