MANILA, Philippines – Apektado ng southwest monsoon o Habagat ang Hilagang Luzon, ngayong Linggo, Setyembre 22.
Ayon sa PAGASA, ang Ilocos Region, Batanes at Babuyan Islands ay makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm dahil sa habagat.
Ang Cordillera Administrative Region at nalalabing bahagi ng Cagayan Valley ay magkakaroon din ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm dahil din sa habagat.
Habang ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorms dahil sa localized thunderstorms. RNT/JGC