Home NATIONWIDE Habagat magpapaulan pa rin sa bansa

Habagat magpapaulan pa rin sa bansa

237
0

MANILA, Philippines – Patuloy na magdadala ng kalat-kalat na pag-ulan ang southwest monsoon o habagat sa bansa ngayong Martes, Hulyo 29.

Ang Ilocos Region, Batanes, Babuyan Islands, Abra, Benguet, Zambales, at Bataan ay magkakaroon ng occasional rains dahil sa Habagat.

Maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm naman ang inaasahan sa Metro Manila, CALABARZON, nalalabing bahagi ng Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, at Central Luzon dahil pa rin sa habagat.

Samantala, ang nalalabing bahagi ng bansa ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rains o thunderstorms dahil sa habagat. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here