Home SPORTS Pagbabalik ni Kai Sotto, malapit na

Pagbabalik ni Kai Sotto, malapit na

273
0

MANILA, Philippines – Nanatili sa dilim si Kai Sotto kung kailan siya makakabalik at makakapaglarong muli.

Hindi pa nakapa-ensayo ang 7-foot-3 Gilas Pilipinas center mula nang tamaan ito ng  ACL injury sa kanyang kaliwang tuhod noong Enero.

Sa kabila na gusto niyang makasama sa koponan ng Gilas Pilipinas sa darating na kampanya ng FIBA Asia Cup, sinabi ni Sotto na pinili niyang manatili sa bansa at magpatuloy sa kanyang rehab.

“Hindi ako makakasama kasi kailangang tuluy-tuloy ko yung rehab ko. Kapag sumama ako ihinto yung program ko and pinapapunta na rin ako ng team ko sa Japan (B.League),” ani Sotto na nanood sa laban ng Gilas kontra sa Macau Black sa Big Dome.

Sinabi ng 23-year-old big man na naghihintay pa rin siya ng green light mula sa kanyang mga doktor kung kailan siya makakabalik ng full time sa court.

“Yun din ang gusto kong malaman (when to practice). Hopefully soon, kasi kahit sino naman gusto na ring makalaro,” wika nito.  “Pero hindi ko minamadali yun, just making sure na magiging maayos yung recovery ko.”

“Isa ako sa mga tagahanga nila,” sabi niya.JC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here