Home LAGAY NG PANAHON Habagat magpapaulan pa rin sa ilang bahagi ng Luzon – PAGASA

Habagat magpapaulan pa rin sa ilang bahagi ng Luzon – PAGASA

MANILA, Philippines – Magdudulot pa rin ng maulap na kalangitan at kalat-kalat na mga pag-ulan ang southwest monsoon o habagat sa ilang bahagi ng Luzon.

Sa abiso ng PAGASA, makararanas ng mga pag-ulan sa susunod na 24 na oras ang Ilocos Region, Batanes, Babuyan Islands, Zambales, at Bataan.

Nagbabala naman ang ahensya sa katamtaman at malalakas na pag-ulan na maaaring magdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa.

Samantala, ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay makararanas din ng maulap na kalangitan na may mga kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm dahil sa habagat. RNT/JGC