Home ENTERTAINMENT Rendon, bet basagin ang mukha ni Ion!

Rendon, bet basagin ang mukha ni Ion!

Manila, Philippines- Tanging si Rendon Labador lang ang naiisip na pinarunggitan ni Ion Perez sa Instgram Stories nito.

May linya kasi ang partner ni Vice Ganda na: “Ilabas na ang resibo. Gusto ako niyan kaya siya ganyan!”

Ang resibo ay tumutukoy sa pruweba o ebidensya.

Pero kung pakalilimiin, nag-ugat lang naman ang “social media war” sa pagitan nina Ion at Rendon nang sitahin ng huli ang aniya’y wala sa lugar na ka-sweetan nila ni Vice Ganda sa Isip Bata segment ng It’s Showtime.

Pati si Vice Ganda na rin kasi has joined the fray in defense of Ion.

Buong ningning kasing binati ng Unkaboggable Star ang abs ni Ion.

Ani Vice Ganda: “‘Yan ang abs, walang steroids!”

Hindi naman ‘yon pinalampas ni Rendon: “May abs ka nga, pero kumapit ka naman sa bakla!”

‘Di pa nakuntento, naghamon na si Rendon ng pisikalan.

Sagot niya sa tinuran ni Ion na type siya nito: “Oo, gusto kita…gusto kong basagin ang pagmumukha mo, hay*p ka! Sige kita tayo, suntukan tayo!”

Maganda nga siguro kung iko-call ni Ion ang hamon ni Rendon.

Bagama’t we should exert peace-keeping efforts, baka paraan na rin ‘yon para makita ni Rendon ang hinahanap niya.

Just a thought. Ronnie Carrasco III

Previous articleHabagat magpapaulan pa rin sa ilang bahagi ng Luzon – PAGASA
Next article2 sa 7 holdaper na bumiktima sa 2 waitress sa Malabon, arestado