MANILA, Philippines- Magpapaulan ang southwest monsoon o habagat sa Central Luzon, Southern Luzon, at Visayas ngayong Miyerkules, base sa PAGASA.
Inaasahan sa Metro Manila, Zambales, Bataan, Tarlac, Pampanga, Cavite, Batangas, Occidental Mindoro, Palawan, at Antique ang pabugso-bugsong ulan dahil sa southwest monsoon.
Makararanas naman ang La Union, Pangasinan, Benguet, Bicol Region, at natitirang bahagi ng Visayas, Central Luzon, CALABARZON, at MIMAROPA ng maulap na kalangitan na may kalat na pag-ulan dahil sa southwest monsoon.
Nagbabadya sa natitirang bahagi ng bansa ang “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms” dahil sa localized thunderstorms.
Ang wind speed forecast para sa Luzon at Visayas ay light to moderate patungong southwestward direction na may slight to moderate coastal waters.
Iiral sa Mindanao ang light to moderate wind speed patungong south to southwest direction habang ang coastal waters ay magiging slight to moderate.
Sumikat ang araw ng alas-5:44 ng umaga at lulubog ng alas-6:11 ng hapon. RNT/SA