MANILA, Philippines- Nanawagan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga mamahayag na pangunahan ang kampanya laban sa misinformation, disinformation, at malinformation at ituloy lamang ang pagsunod sa “most ethical at professional standards” ng pamamahayag.
Hinikayat din ng Pangulo ang mga ito na manatiling maging “forefront” ng kampanya para sa “accurate information.”
“I ask that you continue to adhere to the utmost ethical and professional standards of journalism—free from sensationalism, bias, and personal motives,” ang sinabi ni Pangulong Marcos matapos pangasiwaan ang Oath-Taking Ceremony para sa mga newly elected officers ng National Press Club (NPC), Kapisanan ng mga Broadcasters ng Pilipinas (KBP) Malacañang Press Corps (MPC), Presidential PhotoJournalists Association (PPA) at Malacañang Cameraman Association (MCA) sa Heroes’ Hall, Palasyo ng Malakanyang, araw ng Martes, Agosto 27.
Humingi naman ng suporta ang Pangulo mula sa mga mamamahayag sa pagtugon sa kahinaan ng sistema sa Pilipinas at payagan ang bansa na paunlarin sa pamamagitan ng patuloy na panindigan ang “best interest” ng bansa.
Kinilala rin ng Pangulo ang walang humpay na pagtulong ng mga mamamahayag sa paghubog sa mga mamamayan higit sa kaya nitong makasama sa hangarin ng mas malakas na Bagong Pilipinas.
“As you fulfill your mandate, I urge you to remain at the forefront of our efforts in helping our people distinguish truth from misinformation, disinformation, and malinformation,” ayon sa Pangulo.
Samantala, binigyang-diin ni Pangulong Marcos ang mekanismo na binuo ng pamahalaan sa pagbasura sa disinformation. Kris Jose