Home NATIONWIDE Habagat magpapaulan sa ilang parte ng bansa

Habagat magpapaulan sa ilang parte ng bansa

249
0

MANILA, Philippines – Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) makararanas ng pag-ulan ang ilang bahagi ng bansa dahil sa southwest monsoon o habagat.

Sa pagtataya ng panahon nitong 4 a.m., sinabi ng PAGASA na ang Mimaropa, Western Visayas, Bicol Region, at Quezon ay makakaranas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog.

Ang Metro Manila at ang nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagya  hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog.

Babala ng PAGASA na ang katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan ay maaaring magresulta sa flash flood o landslide.

Mahina hanggang sa katamtamang hangin at banayad hanggang sa katamtamang pag-alon ng karagatan ang iiral sa buong kapuluan.

Samantala, patuloy na binabantayan ng PAGASA ang tropical cyclone sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Nitong 3 a.m., ang Tropical Cyclone Podul ay tinatayang nasa 2,230 km. silangan ng extreme Northern Luzon, kumikilos pakanluran-hilagang-kanluran sa bilis na 15 kph.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 85 kph malapit sa gitna, na may pagbugsong aabot sa 105 kph. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here