Home NATIONWIDE Habagat magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa

Habagat magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa

MANILA, Philippines – Magpapaulan pa rin sa ilang bahagi ng bansa ang Southwest Monsoon o Habagat ngayong Linggo, Setyembre 15.

Ayon sa PAGASA, makararanas ng malalakas na pag-ulan dahil sa habagat ang MIMAROPA, Western Visayas, at Negros Occidental, habang posible rin ang occasional rains sa Bicol Region at nalalabing bahagi ng Negros Island Region.

Maulap na kalangitan naman na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm ang mararanasan sa nalalabing bahagi ng Visayas, Zamboanga Peninsula, BARMM, SOCCSKSARGEN, Caraga, Northern Mindanao, Batangas, Zambales, at Bataan dahil sa nabanggit na weather system.

Bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorm ang mararanasan sa nalalabing bahagi ng Mindanao.

Samantala, ang nalalabing bahagi ng bansa ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorm dahil sa localized thunderstorm. RNT/JGC