Home NATIONWIDE Habagat magpapaulan sa N. Luzon

Habagat magpapaulan sa N. Luzon

MANILA, Philippines – Makaapekto ang habagat at magdadala ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan sa extreme Northern Luzon, iniulat ng PAGASA.

Ang Batanes at Babuyan Islands ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dahil sa habagat na may posibleng pagbaha o pagguho ng lupa dahil sa katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na pag-ulan.

Ang Metro Manila at ang nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dahil sa mga localized thunderstorms na may posibleng flash flood o landslide sa panahon ng matinding pagkulog.

Ang buong bansa ay makakaranas ng mahina hanggang sa katamtamang bilis ng hangin na kumikilos sa timog-silangan hanggang timog-kanluran habang ang mga baybaying dagat ay magiging bahagyang katamtaman / (0.6 hanggang 2.1 metro).

Sumikat ang araw ng 5:42 a.m., at lulubog ito ng 6:18 p.m. RNT