Home ENTERTAINMENT Sandara, masaya na kilala pa rin ng Pinoy fans!

Sandara, masaya na kilala pa rin ng Pinoy fans!

152
0

Manila, Philippines – Sa kanyang X social media account, nagpahayag si Sandara Park ng kanyang kasiyahan dahil sa patuloy na pagsuporta sa kanya ng mga Pinoy kahit matagal na siyang wala sa local circulation.

Aniya: “Question! Pano nyo ba ako naalala hanggang ngayon kahit matagal na ko wala sa Phil. TV show.

“Sa halos lahat ng generation, naalala pa nila ako. Kahit sa mall, sa market, sa restuarant, sa lahat ng places, kakagulat hehe. I’m so happy!!!”

Marami naman ang nag-react sa kanyang post nang maibahagi ito sa isang portal.

Anila, love nila ang pagiging down-to-earth, unproblematic at maging ang pagmamahal ng tinaguriang “Pambansang Krungkrung” sa bansa.

Ito ang ilan sa kanilang mga komento.

“Kasi po mas Filipina ka pa kesa kay Vanessa Hudgens.”

“Ako rin. Mas bet ko siya kesa kay Vanessa at iba pang celebrities na  half-Pinays dahil hindi siya nakakalimot sa Pinas.”

“True. Iyong iba, proud daw na may Pinoy blood pero di mo makita ang sincerity.”

“The Krung Krung effect!”

“Wala ka man sa ph showbiz, di mo rin kinakalimutan ang Pilipinas kahit sikat ang group nyo sa buong mundo. Humble Sandarac.”

“Always in, never out.”

“Ramdam mong genuine ang pagmamahal niya sa atin, compared sa iba na for clout lang pag binanggit. Ever since naman unproblematic na talaga siya. Mas problematic pa nga mga kabatch niya sa SCQ lol.”

“And she is always the first one to defend PH, showcasing the country the best way possible kahit mej uphill battle yun given our notoriety. And she didn’t have to. Nobody is even asking her to.” Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here