Home ENTERTAINMENT Marian binansagang bagong Queen of all Media!

Marian binansagang bagong Queen of all Media!

Manila, Philippines – Dahil in-demand ngayon si Marian Rivera, sunod-sunod ang mga recognitions/achievements na natatanggap niya, kaya naman bidang-bida siya sa kanyang mga fan.

Tinatawag nila ang Kapuso Primetime Queen bilang new Queen of All Media. Siya na raw ang nag-iisang tagapagmana ng tronong binakante ni Kris Aquino.

Sa X ay mababasa ang listahan ng achievements ng misis ni Dingdong Dantes bilang resibo na siya na talaga ang nagmamay-ari ng titulong dating hawak ni Kris.

Check na check raw ang sunod-sunod na box-office hits movies ni Marian from ‘Rewind’, na highest grossing Filipino films of all time, to ‘Balota’, na highest grossing full length film of all time raw sa Cinemalaya Philippine Independent Film Festival.

Panalo rin daw si Marian sa advertising industry with more than 50 active brand endorsements at patunay ang mga nagkalat na billboard sa kalsada, pati print ads.

Flinex rin ng mga faney ang dumaraming acting awards ng idol nila.

Si Marian din ang may pinakamaraming followers sa Facebook among our local celebrities.

May 30 million plus active followers siya, ha. 13.1M naman sa Instagram, at 8.8M followers sa TikTok.

Plus meron din siyang top rating drama anthology tuwing Sabado sa GMA-7.

Pero pinalagan ito ng fans ni Kris.

Narito ang mga kuda ng mga tagapagtanggol ni Kris sa X.

“Walang makakatalo sa achievements ni Kris, hanap kayo ibang title. Ginawa ang title na iyan for Krissy!”

“Laglag sa hosting ang idolo niya. Hindi niya keri ang hosting. Walang makakapantay sa talent na iyon ni Kris.”

“Nag-iisa si Kris! Paano naman nakuha ni Marian ang IG? Hindi nga siya included sa Top 5 most followed sa Instagram. Mababa ang mga likes ang views niya at inconsistent ‘yon for someone na may 13M followers.

“Sorry balwarte nina Kathryn (Bernardo) at Anne (Curtis) ang IG. Pang-Facebook lang ang idol ninyo no!”

“Just give Marian a different name, she can’t replace Kris.” Rommel Placente