Home NATIONWIDE Habagat magpapaulan sa Pinas; LPA binabantayan

Habagat magpapaulan sa Pinas; LPA binabantayan

260
0

MANILA, Philippines – Magpapatuloy ang pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa ngayong Miyerkules dulot ng Southwest Monsoon o Habagat, ayon sa 4 a.m. weather bulletin ng PAGASA.

Makakaranas ng madalas na pag-ulan ang Ilocos Region, Batanes, at Babuyan Islands, kaya’t pinag-iingat ang mga residente sa posibleng flash floods at landslides dulot ng katamtaman hanggang malakas na buhos ng ulan.

Maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog ang inaasahan sa Metro Manila, Central Luzon, Negros Island Region, Zamboanga Peninsula, BARMM, SOCCSKSARGEN, Apayao, Abra, Benguet, Cavite, Batangas, Occidental Mindoro, Palawan, Antique, Aklan, at nalalabing bahagi ng Cagayan.

Samantala, inaasahan ang bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may panaka-nakang pag-ulan o thunderstorms sa natitirang bahagi ng bansa.

Patuloy ding binabantayan ng PAGASA ang isang Low Pressure Area sa labas ng Philippine Area of Responsibility na “mababa” ang tiyansang maging bagyo sa loob ng 24 oras. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here