Home NATIONWIDE Habagat nagdulot ng matinding baha, pagguho ng lupa sa Luzon

Habagat nagdulot ng matinding baha, pagguho ng lupa sa Luzon

1
0

MANILA, Philippines – Nagdulot ng matinding pagbaha, at pagguho ng lupa sa iba’t ibang bahagi ng Luzon ang patuloy na pag-ulan dulot ng Habagat.

Sa Pampanga, umabot hanggang leeg ang baha at pumasok na sa mga bahay, kaya bangka na ang ginagamit ng ilang residente. Sa Calumpit, Bulacan, umabot hanggang dibdib ang baha sa ilang lugar dahil sa tuloy-tuloy na ulan at high tide.

Sa Occidental Mindoro, nalubog sa baha ang mga kalsada sa Barangay Iriron at na-stranded ang ilang sasakyan. May mga tulay ring nabagsakan ng mga puno, at nagsagawa na ng clearing operations ang mga lokal na awtoridad. Sa Barangay Poblacion, umapaw ang ilog at natabunan ang Anawahin Bridge.

Sa San Marcelino, Zambales, isang landslide ang humarang sa kalsada.

Sa Sariaya, Quezon, natagpuan ang bangkay ng isang lalaking nahulog sa Bantilan River habang masama ang panahon. Tatlong araw siyang hinanap bago narekober.

Sa Jaen, Nueva Ecija, mahigit 3,000 katao ang naapektuhan ng baha at nagpadala na ng ayuda ang lokal na pamahalaan.

Sa Sumulong Road sa Antipolo, Rizal, halos wala nang visibility dahil sa malakas na ulan.

Ayon sa PAGASA, magpapatuloy pa ang pag-ulan dulot ng Habagat sa mga susunod na araw kahit walang bagyo, at Agosto ang karaniwang buwan kung kailan pinakamalakas ang epekto ng habagat. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here