JAKARTA, Inodnesia – Isang malakas na 7.7-magnitude na lindol ang tumama sa karagatan malapit sa Flores Island sa silangang Indonesia madaling-araw ng Sabado, ayon sa US Geological Survey (USGS).
Natukoy ang sentro ng lindol sa hilagang baybayin ng Flores Island, humigit-kumulang 68 kilometro hilagang-kanluran ng Ende, at may 10 kilometrong lalim, kaya itinuturing itong mababaw na lindol.
Sinundan ito ng dalawang malalakas na aftershock na may lakas na 5.6 at 5.9.
Nagbabala ang Indonesia’s Meteorology, Climatology, and Geophysics Agency (BMKG) na may posibilidad na makalikha ng tsunami ang lindol.
Madalas makaranas ng malalakas na lindol ang Indonesia at mga karatig-bansa dahil matatagpuan ang mga ito sa Pacific Ring of Fire, isang sona na kilala sa matinding aktibidad ng lindol at pagputok ng bulkan. RNT/MDS