MANILA, Philippines – Nakakaapekto sa kanlurang bahagi ng Northern Luzon ang Southwest Monsoon o Habagat.
Ayon sa PAGASA, ang Ilocos Region, Batanes, Babuyan Islands, at Zambales ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm dahil sa Habagat ngayong Miyerkules, Hunyo 10.
Bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorm ang mararanasan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa. RNT/JGC