MANILA, Philippines- Opisyal na idineklara ng state weather bureau, PAGASA, ang pagsisimula ng Habagat o southwest monsoon season sa Pilipinas.
Ayon sa abiso nitong Biyernes, inanunsyo ito kasunod ng patuloy na pag-iral ng low-level southwesterly winds at Frontal System sa ilang parte ng bansa, maging paghina ng easterlies.
Inaasahan na sa Pilipinas ang “occasional to frequent rains and thunderstorms,” partikular sa kanlurang bahagi ng bansa habang posible ring maranasan ang pagkakaroon ng monsoon breaks.
Posible ring magresulta ang pagsisimula ng Habagat sa pag-arangkada ng tag-ulan sa susunod na dalawang linggo.
“PAGASA will continue to monitor the weather situation of the country. The public and all concerned agencies are advised to take precautionary measures against the adverse impacts of the Habagat such as floods and rain-induced landslides.” RNT/SA