Home NATIONWIDE BSP: Inflation posibleng pumalo sa 0.9%-1.7% ngayong Mayo

BSP: Inflation posibleng pumalo sa 0.9%-1.7% ngayong Mayo

221
0

MANILA, Philippines- Inaasahan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na mananatili ang inflation sa bansa na mas mababa sa 2% para sa buwan ng Mayo.

Sa inflation forecast, sinabi ng BSP na tinataya nitong tataas ang presyo ng mga bilihin at serbisyo sa 0.9% to 1.7% range ngayong buwan.

Iniugnay ito ng central bank sa posibleng patuloy na pagbagal ng inflation dahil sa “favorable domestic supply conditions” maging mas mababang oil prices, electricity rates, at pagtaas ng halaga ng piso.

Naitala ang 1.4% inflation sa bansa noong Abril, pinakamababa mula noong November 2019 sa 1.2%.

“These could be offset in part by higher prices of vegetables and meat items. Going forward, the Monetary Board will continue to take a measured approach in adjusting the monetary policy stance in line with its price stability objectives conducive to balanced and sustainable growth of the economy and employment,” pahayag ng BSP. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here