Home NATIONWIDE Habagat season tapos na; Amihan papalapit na – PAGASA

Habagat season tapos na; Amihan papalapit na – PAGASA

332
0

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Martes ang pagtatapos ng southwest monsoon o “habagat” season, na hudyat ng paglipat sa northeast monsoon o “amihan.”

Ayon kay PAGASA Administrator Nathaniel Servando, nagkaroon ng pagbabago sa panahon “dahil sa paglakas ng high-pressure system sa East Asia at sa paggalaw pa-timog ng intertropical convergence zone.” Dagdag niya, hudyat din ito ng pagtatapos ng tag-ulan sa kanlurang bahagi ng Luzon at Visayas.

“Ang bansa ay kasalukuyang nasa yugto ng paglipat sa northeast monsoon season na inaasahang ideklara sa mga susunod na linggo,” ani Servando.

Noong nakaraang taon, idineklara ang pagsisimula ng “amihan” season noong Nobyembre 19. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here