Home NATIONWIDE P223-M Grand Lotto jackpot nasolo ng taga-QC

P223-M Grand Lotto jackpot nasolo ng taga-QC

338
0

MANILA, Philippines – Isang masuwerteng mananaya mula sa Metro Manila ang nanalo ng ₱223.58 milyon sa Grand Lotto 6/55 draw noong Lunes ng gabi, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ang panalong kumbinasyon ay 21-27-51-19-14-53, na binili sa isang outlet sa Barangay Mariana, Quezon City.

May 26 pang tumama ng tig-₱100,000 sa limang numero, 1,059 na nanalo ng tig-₱1,500 sa apat na numero, at 24,038 na nakakuha ng tig-₱60 sa tatlong numero.

Maaaring i-claim ang premyo sa loob ng isang taon sa tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City. Dapat lagyan ng pirma ang likod ng ticket at magpakita ng dalawang valid ID.

Alinsunod sa TRAIN law, papatawan ng 20 porsyentong buwis ang panalong higit sa ₱10,000. Ang Grand Lotto 6/55 ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules, at Sabado. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here