MANILA, Philippines- Magdudulot ng pag-ulan ang southwest monsoon o habagat ng monsoon rains sa Southern Luzon, Visayas, at Mindanao habang makaaapekto rin ang trough ni Severe Tropical Storm Bebinca sa natitirang bahagi ng Luzon ngayong Biyernes, ayon sa PAGASA.
Si Severe Tropical Storm Bebinca, nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR), ay 1,605 kilometers east ng extreme Northern Luzon na may maximum sustained winds na 95 kilometers per hour, gustiness hanggang 115 kph, at kumikilos pa-northwestward sa bilis na 25 kph.
Makararanas ang MIMAROPA, Western Visayas, at Negros Occidental ng monsoon rains dahil sa southwest monsoon.
Nakaamba naman sa Bicol Region, southern portion ng Quezon, Batangas, at natitirang bahagi ng Visayas ng maulap na kalangitan na sasabyan ng kalat na pag-ulan dahil sa southwest monsoon.
Inaasahan sa Mindanao ang maulap na kalangitan at kalat na pag-ulan dahil sa southwest monsoon.
Iiral naman sa Metro Manila at natitirang bahagi ng Luzon ng maulap na kalangitan at kalat na pag-ulan dahil sa trough ng STS Bebinca.
Posibleng makaranas ang eastern sections ng Visayas at Mindanao ng malakas na hangin patungong southwestward direction at rough coastal waters.
Sa Palawan at natitirang bahagi ng Visayas at Mindanao, makararanas ng moderate to rough wind speed patungong southwest to west direction habang ang coastal waters ay magiging moderate to rough.
Nakaamba sa natitirang bahagi ng Luzon ang light to moderate wind speed patungo sa northeast to northwest direction habang ang coastal waters ay magiging slight to moderate.
Sumikat ang araw ng alas-5:45 ng umaga at lulubog ng alas-5:59 ng hapon. RNT/SA