MANILA, Philippines- Nag-isyu ang Civil Aviation Authority of the Philippines ng Notice to Airmen (NOTAM) para sa flights malapit sa Bulkang Kanlaon.
Binalaan ng CAAP ang mga piloto na maaaring umabot ang volcanic activity hanggang 17,000 feet mula sa bunganga ng bulkan.
Kasado ang pinakabagong NOTAM mula alas-8:49 ng umaga ng Sept. 12 hanggang alas-9 ng umaga ng Sept. 13.
Kasalukuyang nasa Alert Level 2 (Increased Unrest) ang nasabing bulkan.
Pinayuhan ang flight operations na iwasang magpalipad ng aircraft malapit sa summit ng bulkan dahil sa posibilidad ng “sudden and hazardous steam-driven or phreatic eruptions.” RNT/SA