Home METRO Habal-habal driver pinagsasaksak sa gitna ng kalsada

Habal-habal driver pinagsasaksak sa gitna ng kalsada

MANILA, Philippines- Huli sa video ang pananaksan sa isang habal-habal driver sa gitna ng kalsada sa isang barangay sa Cebu City.

Ayon sa ulat, naganap ang insidente sa isang kalsada sa Barangay Kinasang-an Pardo lampas alas-3 ng madaling araw nitong Sabado. Makikita sa video na nakahiga ang driver sa kalsada habang nilalabanan ang lalaking nakapaibabaw sa kanya at inaatake siya gamit ang patalim na hawak nito.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, naghihintay ng pasahero ang 33-anyos na driver nang lapitan ito ng suspek at kuhanan ng litrato gamit ang cellphone nito. Ikinagalit ito ng biktima na nagresulta sa away at pananaksak sa kalsada.

Kasalukuyang ginagamot ang biktima sa isang ospital habang tinutugis naman ng mga awtoridad ang suspek na nakatakas. RNT/SA