MANILA, Philippines – Naaresto ang dalawang hacker na pinaniniwalaang hawak ng mga Chinese sa mga panghahack at pagbubukas ng mga importante at confidential na system sa mga computers, ang nasabat ng pulisya sa isinagawang operasyon sa Brgy Molino 6, Bacoor City, Cavite.
Ayon sa report, kinilala ang mga naarestong suspek na sina alyas Christian at Marcie, kapwa ngayon nahaharap sa mga kasong Violation of Misuse of Device and Illegal Interception and System Interference under Republic Act No. 10175 or the Cybercrime Prevention Act of 2012 at Espionage under Commonwealth Act No. 616 or the Espionage Act of 1941.
Sa ulat ng pulisya, matapos silang makatanggap ng impormasyon na umano’y may magaganap na pang-eespiya sa isang lugar sa Cavite kung saan ito ay panghahack ng mga sensitibong impormasyon o pag-espiya gamit ang makabagong teknolohiya.
Dakong alas-12:45 ng madaling araw nang nagsagawa ng checkpoint operation ang pulisya kasama ang Bacoor Police, Cavite PIU at Cavite ACG sa Soldiers Hills, Brgy Molino 6 nang masabat ang mga suspek.
Sa loob ng sasakyang dala ng mga ito na
Toyota Rush na may plate number NES 8711, nadiskubre ang ibat ibang klase ng mga machine na gamit sa pang-eespiya at pag-hack sa mga computer data, EGCA o E- Governance For Civil Aviation, at mga gamit para sa pakikinig sa mga usapan.
Kabilang sa mga hinahack ng mga suspek ay ang mga aktibidad, pag-espiya o pagkuha sa mga importanteng komunikasyon ng gobyerno na isinasagawa sa loob ng NCR at Region 4-A kung saan mga Chinese and umano’y handler ng mga ito.
Patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon at follow-up ng pulisya kaugnay sa insidente at inaalam pa kung may mga ibang kasama pa ang mga ito sa nasabing sindikato. MARGIE BAUTISTA