Home NATIONWIDE P8K monthly fuel subsidy sa PUV drivers hirit ng Manibela

P8K monthly fuel subsidy sa PUV drivers hirit ng Manibela

215
0

MANILA, Philippines – Inihihirit ng transport group na Manibela na gawing P8,000 kada buwan ang fuel subsidy para sa mga public utility vehicle (PUV) driver kasabay ng inaasahang big-time fuel price hike.

Noong nakaraang taon kasi ay nakatanggap ang mga PUV driver ng P6,500 o mas mababa pang fuel subsidy.

“Alam natin na nitong mga nakalipas na taon, ang binibigay lamang po sa amin ay P6,500. Minsan ho may bawas pa. Ang nailalagay lamang po doon sa aming fuel subsidy card ay nasa P4,000, P5,000 lamang po,” sinabi ni Manibela Chairman Mar Valbuena.

Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon, inihahanda na nila ang pagbibigay ng fuel subsidy sa mga maaapektuhan ng malalaking pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo.

Wala pang tugon ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kaugnay sa hirit ng Manibela.

Samantala, umaasa si Valbuena na maipapamahagi na ang subsidy sa mga PUV driver sa Hulyo 10.

“Kasi minsan po umaabot pa ng dalawang buwan bago pa ‘to mabigay. At sana po magkaroon ng record na ‘yung mga operator mabigyan po talaga kasi po hindi lahat nabibigyan. Dapat ma-check po ng LTFRB at DOTr ‘yung mayroong fuel subsidy card,” ani Valbuena.

Naniniwala rin ang chairman ng Manibela na hindi kailangang magtaas ng presyo ang mga oil company dahil sila ay may buffers o reserves. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here